Handang magbigay ng seguridad ang Department of Justice sa pamilya ng pinaslang na broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Ito’y makaraang ibunyag ng kapatid ni Ka-Percy na si Roy Mabasa na nakatatanggap na sila ng banta.
Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, kinausap na niya ang kapatid ni Percy na si Roy Mabasa hinggil sa pagbibigay ng security protection.
Sa katunayan anya ay tinawagan na niya si Roy upang ipagbigay-alam na maaaring magtalaga ng mga NBI Personnel ang DOJ kung kinakailagan pero wala pang tugon ang nakababatang Mabasa.
Samantala, tiniyak din ng kalihim ang seguridad ng mga kapatid ng nasawing ‘middleman’ na sa Jun Villamor.