Nakatakdang ipadala sa mga eksperto ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang blackbox ng sumadsad na Korean Air Plane sa Mactan Cebu Airport.
Ayon sa CAAP, dalawang beses umanong tinangkang mag-landing ng Korean Air Flight Ke361 pero nag-overshoot ito sa runway ng naturang paliparan batay na rin sa ikinasang imbestigasyon ng mga otoridad.
Agad namang humingi ng paumanhin si Korean Air President Keehong Woo sa mga naapektuhang pasahero ng naturang flight kung saan, 40 pasahero mula sa management ng Korean Air at Korean Office of Civil Aviation (KOCA) ang isasailalim sa imbestigasyon.
Sa pahayag ni Tourism Secretary Christina Frasco, inatasan na ng kanilang ahensya ang Regional Office ng DOT sa Cebu, para mabigyan ng karampatang tulong ang mga na-straded na pasahero.
Sa ngayon, mas mahigpit na imbestigasyon ang isinasagawa hinggil sa insidente para malaman ang tunay na dahilan ng pagsadsad ng Korean Air plane sa nabanggit na lugar.