Inihayag ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Frasco, na makakatulong sa Pilipinas ang pagpapaigting ng mas maluwag na restriksiyon upang mapalakas ang turismo at ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Frasco, bukas at handang tumanggap ng mga turista at investments ang Pilipinas para masolusyonan ang pagdapa ng ekonomiya.
Sinabi ni Frasco, isa na sa pagluwag ng polisiya ang opsiyonal na pagsusuot ng face mask sa indoor places.
Bukod pa dito, inalis na rin ang RT-PCR test requirements para sa mga hindi bakunadong dayuhan.
Layunin ng pamahalaan na mapagaan ang pag-biyahe ng mga turistang bumibisita o nagbabakasyon sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Frasco, na kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magbibigay ng dagdag na oportunidad sa mga Pilipino ang pagluluwag ng restriksiyon, at matutulungang makabangon ang naluging kabuhayan ng mga maliliit na negosyo bunsod ng Covid-19 pandemic.