Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na pa-i-igtingin nila ang hakbang laban sa mga kaso ng bullying sa mga paaralan.
Ayon kay DepEd Spokesman, Atty. Micheal Poa, matagal nang hamon sa ahensya ang pang-aabuso at bullying sa mga eskwelahan.
Ipinatutupad naman aniya ng DepEd ang preventive at responsive measures sa lahat ng school level.
Magugunitang isinulong ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagkakaroon ng child protection unit para tulungan ang mga mag-aaral.
Kasalukuyan namang may Child Protection Committee sa bawat paaralan na kinabibilangan ng school head, student representatives at guidance counselors na responsable sa responsive efforts. —sa panulat ni Jenn Patrolla