Kasado na ang Scaneagle Unmanned Aerial System ng Philippine Navy para permanenteng magbantay ng Malampaya Natural Gas to Power Project (MNGPP) ng Pilipinas na mula sa US Department of Defense.
Ito ang nagbigay ng kagamitan at pagsasanay sa mga kaalyadong bansa para sa pagsasagawa ng maritime at border security at intelligence operations.
Ito’y matapos makumpleto ng western command ang site-set up at test flights sa kumpletong Unmanned Reconnaissance System na may code name na “Alpha Flight” na pinatatakbo ng Maritime Unmanned Aerial Reconnaissance Squadron (MUARS) 71
Ayon kay Wescom Commander Vice Admiral Alberto Carlos, idadaan ito sa operational control ng joint task force Malampaya na magpapalakas aniya sa kakayahan nito na protektahan ang Malampaya natural gas fields mula sa anumang banta.
Magugunitang, naghahatid ng 20% ng enerhiya sa bansa ang naturang proyekto. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)