Nagtapos sa top 20 ng Miss Grand International pageant ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong.
Mula sa San Pablo, Laguna ang 20-year-old beauty queen, kung saan isinulong nito ang environmental awareness sa kanyang pageant journey.
Nagwagi sa naturang kompetisyon si Isabella Menin ng Brazil habang first runner-up naman si Engfa Waraha ng Thailand.
Kabilang din sa runners-up sina Andina Julie ng Indonesia, Luiseth Materán ng Venezuela, at Mariana Becková ng Czech Republic.
Idinaos ang pageant sa Sentul International Convention Center sa West Java, Indonesia.