Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang magiging papel ni Film Director Paul Soriano sa gobyerno matapos itong italaga bilang Presidential Adviser on Creative Communications.
Ayon sa punong ehekutibo, hindi kinuha sa gobyerno si Soriano para maging bahagi ng PR Machine ng kaniyang administrasyon.
Kinuha umano ito para makatulong sa pag-promote ng Pilipinas sa buong mundo sa pamamagitan ng turismo.
Sinabi ng pangulo na maraming magagaling at talentadong mga Pilipino na kung saan hindi lamang sa sining at pelikula dahil kaya din umano ni Soriano na ipakita ang pagiging malikhain sa buong mundo.
Matatandaang umani ng mga puna mula sa mga kritiko ang posisyong ibinigay kay Soriano dahil sa paniniwalang political payback umano ito dahil sa suporta nito noong election campaign.