Hindi naapektuhan ang mga linya ng kuryente sa Luzon matapos ang tumamang magnitude 6.4 na lindol sa Abra kagabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nananatiling normal ang power transmission services nito sa kabila ng malakas na lindol na nakaapekto rin sa ilang karatig lalawigan.
Nananatili ring intact ang Luzon Grid at walang napinsalang transmission facilities kasunod ng malakas na pagyanig.