Nag-anunsyo rin ng suspensyon ng klase ngayong araw ang ilang lokal na pamahalaan ng Quezon Province, Laguna at Rizal Province dahil sa pag-ulang dala ng shear line na nakakaapekto sa Southern Luzon.
Batay sa ulat na inilabas ng DepED-CALABARZON, suspendido na ang klase sa lahat ng lebel pampubliko at pribado sa Cavinti, Famy, Kalayaan, Lumban, Mabitac, Majayjay, Paete, Pagsanjan, Pakil, Pila, Santa Cruz, Santa Maria, at Siniloan.
Wala ring pasok sa lahat ng lebel sa Infanta, General Nakar, at Patnanungan.
Maliban sa nabanggit na lugar, sinuspinde rin ang pasok bukas, October 27 sa lahat ng antas, pampubliko at pribado sa lalawigan ng Abra.
Ito ay para bigyang daan ang inspeksiyon ng mga gusali kasunod ng magnitude 6.4 na lindo na tumama sa lalawigan.