Nagbabala ang isang eksperto sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sakaling ipatupad ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor areas.
Sinabi ni Rontgene Solante na may pangamba pa rin kaugnay sa hakbang dahil mayroong XBB subvariant at XBC variant sa bansa.
Paliwanag pa ng eksperto na posible ang hawaan sa indoor setup lalo na kung maraming tao.
Mapanganib din aniya ito para sa mga hindi pa nababakunahan at vulnerable sector lalo kung hindi ito magsusuot ng face mask.