Napanatili ang lakas ni bagyong Paeng na nasa Philippine Sea habang papalapit sa bahagi ng luzon.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 660 kilometers silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Bahagyang lumakas ang hangin na dala ni bagyong Paeng na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot naman sa 70 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ng Pagasa weather bureau ang tropical cyclone wind signal no. 1, sa ilang lugar ng hilagang-silangan ng Eastern Samar at eastern portion of Northern Samar.
Asahan naman ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil parin sa through ng bagyo at ang shearline.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, BARMM, Quezon Province, Agusan del Norte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.
Magiging maaliwalas naman ang nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng mindanao.
Nakataas naman ang gale warning signal ng pagasa sa northern seaboard ng Luzon at eastern seaboard ng Central Luzon hanggang sa Visayas kaya hindi parin pinapayagang pumalaot ang mga kababayan nating mangingisda maging ang maliliit na sasakyang pandagat.