Nakatakdang mamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng magnitude 6.4 na lindol partikular na sa Abra at Ilocos Norte.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, una na nilang binisita ang Ilocos Region kung saan, nakahanda na ang tatlong milyong pisong halaga ng pondo at sampung libong food packs na ipapamahagi sa mga residenteng biktima ng nagdaang lindol.
Sinabi ni Tulfo na ang mga pamilyang partially damaged ang mga tirahan ay makakatanggap ng P10,000 cash aid habang P30,000 cash aid naman sa mga pamilyang totally damaged ang tirahan.
layunin ng ahensya na agad na maipahatid ang tulong para sa mabilis na pagbangon ng mga residente batay narin sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na iprayoridad at tiyakin ang mga pangangailagan ng mga biktima ng lindol sa mga nabanggit na lugar.