Naalarma na ang Department of Health (DOH) hinggil sa pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus o hiv at acquired immune deficiency syndrome o aids.
Ito’y matapos makapagtala ng 4,603,985 na kumpirmadong nahawaan ng naturang sakit sa Eastern Visayas kung saan, pumalo na sa 95 ang bilang ng mga nasawi ngayong taon.
Ayon sa DOH-Regional Information Office, kailangan nang magtatag ng karagdagang treatment hub at care clinic dahil sa patuloy na paglala ng naturang kaso sa bansa.
Batay sa huling datos ng ahensya, aabot sa 20 ang panibagong kumpirmadong kaso ng sakit na naitala sa rehiyon nito lamang agosto.
Iginiit naman ng DOH na ang pangunahing sanhi ng sakit ay bunsod ng male-to-male sex, multiple sex partners o ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian.