Itinutulak ni House Ways and Means Committee Chairman Representative Joey Sarte Salceda na payagang mag-angkat ng 200,000 metriko tonelada ng asukal ng mga kumpanyang gumagawa ng matatamis na inumin.
Ayon sa mambabatas, mula sa 21 araw ay nasa apat na araw na lang ang inaabot ng imbentaryo ng asukal ng mga industrial beverage makers.
Sinabi rin ni Salceda na maaaring maapektuhan ang kanilang operasyon sakaling hindi makamit ang kailangang asukal mula 150,000 metriko tonelada ng sugar import order ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Kapag nangyari, babala ni Salceda, ay maaaaring umabot sa 2.5 billion pesos ang posibleng mawala sa pamahalaan kada buwan mula sa buwis na ipinapataw sa mga sweetened beeverages sa ilalim ng tax reform for accelaration and inclusion o train law. – sa panulat ni Hannah Oledan