Nagtapos na ang nasa 440 sundalo mula sa First Scout Ranger Regiment (FSRR) ng Philippine Army at 3rd Royal Australian Regiment (3rar) na lumahok sa halos 2 buwang Joint Military Exercise Kasangga 22-02 na isinagawa sa bansa
Kung saan sabayang nagsanay ang mga naturang sundalo ng Pilipinas at Australia ukol sa Urban Combat Operations, Jungle Operations, Reconnaissance, Mortar Training, Combat Medic, Drone Operation, at Anti-Armor Training.
Habang tinuran din ng ating mga kababayang sundalo ang mga nasabing dayuhang militar ng mga katutubong martial arts, Pekiti Tirsia Kali, at combat tracking sa jungle operations.
Nabatid na layunin ng naturang bilateral exercise na mapalakas ang interoperability sa mga operasyon ng mga ito sa mga lungsod at kagubatan. - sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11).