Hindi na sapat ang 2 taong pagsasanay para sa mga kumukuha ng midwifery sa bansa.
Ayon kay Congressmans Ron Salo, bawat taon kasi, patuloy na tumataas ang pangangailangang makapagbigay ng maayos na serbisyong medikal para sa lahat ng mga Pilipino.
Kung dati ani Salo, limitado lamang sa pagpapa-anak ang trabaho ng mga midwife, ngayon aniya kinakailangan narin nilang matutunan ang tamang pangangalaga ng mga newborn baby, postnatal care, family planning, at newborn screening services.
Kaya inihayag ng kongresista, na nararapat lamang na nakasaad at mabigyang diin ang mga bagay na ito sa mga batas na isinusulong sa Pilipinas.
Dahil dito, inihayag ni Salo na layun din ng kanyang inihaing House Bill 3882 na mapalawig ang Midwifery Curriculum sa 4 -year Bachelor of Science Degree.
Kulang na kasi talaga aniya ang 2 taong kurikulom para maihanda ang mga estudyante na maging isang ganap na competent midwifery sa bansa. - sa ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).