Nagsagawa ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ng biglaang Oplan Galugad sa loob ng Manila North Cemetery.
Ito ay sa pangununa ni Police Lieutenant Colnonel Ramon Czar Solas ng MPD-STATION 3 o Sta. Cruz Police Station.
Layunin ng operasyon na matiyak na walang anumang kriminal ang nananatili o nagtatago sa nasabing sementeryo.
Kaugnay nito, apat na indibidwal ang naaresto kung saan ang isa rito ay may kasong “Trespass to dwelling”
May mag-asawa rin na nahuli makaraang ituro umano na nagtutulak ang mga ito ng ilegal na droga.
Sa kabuuan, nasa apatnapung indibidwal ang nasita at sumalang sa beripikasyon na kalauna’y pinauwi rin.
Samantala, nakahanda na ang MPD para sa kanilang pagbabantay sa undas. - sa ulat mula kay Aya Yupango (Patrol 5)