Muling nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) matapos gawin nang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa indoor spaces.
Ayon sa DOH, mananatili pa ring requirement ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon at medical facilities.
Nangangahulugang ito na hindi aalisin ang kautusan sa mga medical transport at healthcare facilities tulad ng clinic, ospital, laboratories, nursing homes at dialysis clinics.
Una rito, sinabi ni health OIC Maria Rosario Vergeire na posibleng magresulta ang pagluluwag ng pagsusuot ng face mask ng 18,000 daily new cases sa pagtatapos ng taon.