Nakatakdang ilabas ng Department of Justice (DOJ) bukas, October 29 ang resulta ng second autopsy sa labi ng inmate ng New Bilibid Prison na “Middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.
Matapos ito na mag-request kay Justice Secretary Dominic Clavano, IV si Dr. Raquel Fortun para makumpleto ang autopsy report sa katawan ni Jun Globa Villamor.
Sinabi ni Clavano na ilalabas ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang report sa isang press briefing, bukas.
Nabatid na ipinapakita sa first autopsy report na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) na may heart hemorrhage at walang nakitang bakas ng physical injuries ang katawan ng naturang middleman.