Nagdeklara na ng cholera outbreak sa Barangay Alijis sa Bacolod City si City Health Officer Ma. Carmela Gensoli matapos makumpirma ang tatlong bagong kaso ng nasabing sakit.
Una nang nakapagtala ng anim na kaso sa lalawigan sa Barangay Sum-Ag, 2; at Mansilingan, Tangub, Barangay 40 at Granada na may tig-isang kaso.
Ayon kay Gensoli, nakikipag-ugnayan na ito sa iba pang mga baranggay para mabantayan ang kanilang mga residente at pagkuha ng water sample sa kanilang lugar.
Patuloy namang iniinspeksyon ang mga water refilling statuon na maaaring nakontamina ng cholera bacterium na dahilan ng pagsusuka at pagtatae ng mga biktima. - sa panulat ni Hannah Oledan