Mahigit 40 na ang patay sa tribal war sa Papua New Guinea.
Ayon sa mga otoridad, pawang mga miyembro ng Kulumata at Kuboma ang sangkot sa madugong karahasan sa isla ng Kiriwina o tinatawag ding “Island of Love”.
Posible namang tumaas pa ang bilang ng mga namatay o nasusugatan sa tribal war.
Nag-ugat umano ang karahasan sa football game sa lugar noong Setyembre pero naniniwala ang pamahalaan na dahil ito sa general elections. – sa panulat ni Hannah Oledan