Umabot na sa 81,980,750 pesos ang halaga ng naitalang nasira sa imprastraktura matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Abra noong October 25.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nasa 59,062,750 pesos ang halaga ng pinsalang naiulat sa Cordillera, 21,150,000 pesos sa Ilocos, at 1,768,000 pesos sa Cagayan.
Hindi bababa sa 85 katao ang naiulat na nasugatan dahil sa lindol.
May kabuuang 147,378 indibidwal o 44,447 pamilya ang naapektuhan ng lindol sa 334 na barangay sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera.
Sa kabuuang bilang, 68 indibidwal o 20 na pamilya ang nananatili sa tatlong evacuation center, habang 579 katao o 229 na pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.
Ayon sa NDRRMC, nasa kabuuang higit 353,000 pesos halaga ng tulong ang naibigay sa mga biktima ng lindol.