Pormal nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing voluntary o optional ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor settings.
Ito’y matapos lagdaan ng Punong Ehekutibo ang Executive Order No.07 na may kaugnayan dito.
Gayunman, nilinaw sa direktiba ng Pangulong Marcos na mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga healthcare facilities, medical transport vehicles at public transportation.
Ang EO No.07 ay pinirmahan ni PBBM ngayong araw, Oktubre 28, sa pamamagitan ni Executive Sec. Lucas Bersamin.