Nakapamahagi na ang gobyerno ng nasa P4.1 million na tulong sa mga biktima ng Bagyong Paeng.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nasa P1.5 billion ang pondo ng gobyerno para sa pamimigay ng relief kung saan may P445.2 million sa standby funds at quick response fund.
Aniya, mayroon din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit P1,000,000 halaga ng relief goods na nakahandang ipamahagi.
Pinaalalahanan naman ng Palasyo ang publiko na maging alerto kaugnay sa pananalasa ng naturang bagyo.