Pumalo na sa 85 ang bilang ng mga sugatan sa pagtama ng 6.4 magnitude na lindol sa Abra at iba pang bahagi ng Northern Luzon.
Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Managaement Council (NDRRMC), sa naitalang bilang ng mga sugtan, 84 dito ang kumpirmado.
Mayorya ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), habang ang natitira ay mula sa Ilocos Region, at kinukumpirma pa ang isang sugatan.
Iniulat din ng NDRRMC na nasa 44,447 na pamilya o katumbas ng 147,378 na indibidwal sa Ilocos, Cagayan Valley at CAR ang apektado.
Umabot na sa 81,980,750 pesos ang tinatayang pinsala sa sektor ng imprastraktura kung saan ang CAR ang may pinakamatinding pinsala. Sumunod naman ang Ilocos region at Cagayan.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan ng tulong pinansyal at family food packs para sa mga apektadong lugar. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
previous post