Pumalo na sa 135,000 katao ang lumikas na naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Kanlurang Visayas.
Ito’y iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) kung saan dalawang katao na ang naitalang nasawi sa Capiz at Iloilo.
Mas naapektuhan ang probinsya ng Capiz na may higit 21,000 pamilya ang naapektuhan o katumbas ng 66,000 na indibidwal.
Samantala, may 12 bayan naman sa Antique ang binaha na may higit 12,000 katao ang naapektuhan.
Lumikas din ang 26 na katao sa Aklan habang 20 indibidwal naman sa Negros Occidental.
Maliban dito, may mga kalsadang hindi madaanan partikular na ang Kalibo, Aklan. -sa panunulat ni Jenn Patrolla