Maglalaan ng P4.1 -M halagang pondo bilang tulong sa mga pamilya na apektado ng Bagyong Paeng.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), ang available relief fund ng gobyerno ay P1.5- B na may P 445.2 – M na naka-antabay na pondo at quick response fund.
Ayon kay OPS Officer-In-Charge Undersecretary, Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, patuloy na makikipag-ugnayan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga ahensya ng gobyerno para matiyak na mayroong sapat na resource augementation upang suportahan ang mga lokal na pamahalaan sa lahat ng apektadong lugar.
Samantala, ayon naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may mahigit na P1-B na halaga ng stockpiles na nakahanda nang ipamahagi.
Pinayuhan ng Malakanyang ang publiko na manatiling handa at alerto sa Bagyong Paeng. - sa panunulat ni Jenn Patrolla