Mahigit 700 na Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa San Mateo Municipal Jail ang inilikas sa evacuation center dahil sa Bagyong Paeng.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRMMO), kaya ginawa ang paglipat sa mga PDL bilang bahagi ng pag-iingat dulot ng nasabing bagyo.
Nasa mahigit 20 meters na ang tubig sa San Mateo River.
Pinangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang ginawang paglikas at hindi lang ngayon nangyari ang ginawang paglilikas mula sa naturang piitan. -sa panunulat ni Jenn Patrolla