Nagsagawa pa rin ng clearing operation ang Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM) team sa National Highway ng San Antonio Quezon.
Ayon sa team leader ng MDRRM, sa isinigawang clearing operation nagtatanggal sila ng mga nagsi-tumbahang puno at mga nalipad ng hangin sa lansangan upang agad na madaanan ng maayos.
Samantala, wala naman aniyang naitalang nasawi o nasugatan sa naturang lugar.
Dinalaw naman ni Mayor Aniano Ariel Wagan Jr. Ang evacuation centers upang matiyak na maayos ang kalagayan ng evacuees. - sa panunulat ni Jenn Patrolla