Humingi ng tawad ang aktres-singer na si Sarah Geronimo mula sa kanyang pamilya matapos ang 2 taong kasal sa kanyang asawa na si Matteo Guidicelli.
Ibinahagi ni Sarah sa kanyang instagram account ang isang sulat para sa kaniyang pamilya, fans, manager at publiko.
Sinabi ng aktres sa kanyang post, na gusto niyang kunin ang pagkakataon na ito para humingi ng tawad sa kanyang pamilya na labis na nasaktan sa kanyang naging desisyon sa buhay.
Pinasalamatan din ng aktres ang kaniyang mga magulang sa pagpapalaki sa kaniya at kaniyang mga kapatid
Kabilang din ang kaniyang mga fans at manager.
Matapos nito, nagpaalala naman si Sarah sa mga tao na ipakita ang kanilang pagmamahal sa mga mahahalagang tao. - sa panunulat ni Jenn Patrolla