Ano nga ba ang epekto sa utak ng sobrang pagtulog?
Alam niyo ba na mabilis na nakakapagpababa ng cognitive ng isang tao ang pagtulog ng sobra sa siyam na oras sa isang araw?
Maaari itong humantong sa mas mahinang kakayahan sa pag-iisip tulad ng pagmememorya konsentrasyon o atensyon at maaaring magresulta sa dementia sa paglipas ng panahon.
Maaaring sanhi ito ng ilang mental disorder tulad ng depression at anxiety at ng ilang sleep disorders tulad ng sleep apnea, insomnia, at narcolepsy.
Para mapanatiling malakas at healthy ang utak, ugaliing magkaroon ng normal na dami ng tulog na anim hanggang walong oras bawat gabi at regular na pagsasanay ng utak. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
previous post