Kasalukuyang binabaybay ng bagyong Paeng ang West Philippine Sea na huling namataan sa layong 255 kilometers kanluran ng Iba, Zambales.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot naman sa 105 kilometers per hour.
Si bagyong Paeng ay kumikilos patungong silangan-timog-silangan sa bilis na 10 kilometers per hour at inaasahang lalabas ng bansa mamayang hapon o gabi at tutumbukin ang bahagi ng Southern China.
Samantala, patuloy namang binabantayang ng Pagasa weather bureau ang namataang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huli itong namataan sa layong 1,055 kilometers silangan-hilagang-silangan ng Mindanao habang napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot naman sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang tropical depression papalapit ng bansa o west-north-west sa bilis na 15 kilometers per hour at posibleng pumasok ng par ngayong umaga at sakaling makapasok na ito, tatawagi itong bagyong Queenie.
Patuloy namang makararanas ng epekto ni bagyong Paeng ang buong bahagi ng Luzon at Western Visayas kung saan, nakataas parin ang signal no. 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bataan, Zambales, Metro Manila, Western at central portion ng Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, northwestern portion ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Islands, at ang northern portion ng Quezon Province.
Sa ngayon, asahan parin ang mga pag-ulan sa iba pang lugar sa bansa bunsod ni bagyong Paeng at ang tropical depression.