Umabot na sa 20 katao ang patay habang lima pa ang nawawala matapos gumuho ang lupa sa barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.
Sinabi ni chairman Jaffer Sheen Sinsuat na hindi inaasahan ang pagguho ng Mount Minandar kung saan isa ito sa pinakasikat na bundok sa Maguindanao.
Kabilang sa mga nawawala ay ang apat na sanggol at isang matandang babae.
Samantala, nananatili ang mga residente ng barangay Kusiong sa mga evacuation centers.
Itinuturing na ang Mt. Minandar ang isa sa mga pinakaligtas na lugar sa Datu Odin Sinsuat kung saan ito ay nagsilbing relocation area para sa Maguindanaons noong nagkaroon ng tsunami noong Agosto 1976 kasunod ng 8.1 magnitude quake sa Cotabato trench.