Maglalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panuntunan hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor.
Ayon kay Alvin Curada, direktor ng Bureau of Working Conditions (BWC) ng DOLE, ang komputasyon sa 13th month pay ay nakabatay sa basic salary na natanggap ng empleyado mula noong January 1 hanggang December 31 ng taong ito.
Nabatid na sa ilalim ng presidential decree 851 na pinirmaham ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1975 na makatatanggap ng 13th month pay ng hindi tatagal sa December 24 kada taon ang isang empleyado.
Kaugnay nito, sakop din ang lahat ng rank-and-file employees ng pribadong kompanya na nakapagtrabaho ng isang buwan sa loob ng calendar year. – sa panunulat ni Jenn Patrolla