Nag-oorganisa ang senado ng relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na personal siyang pupunta sa mindanao para makita ang mga binaha at na landslide na lugar.
Bukod aniya sa relief operations ay nire-review na rin ng senado ang adjustments na gagawin para sa disaster management funds sa ilalim ng 2023 National Budget.
Paliwanag ni Zubiri, kinakailangan aniyang mairekonsidera, ma-review at mai-adjust ang 2023 budget hindi lamang para sa rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad kundi pagpapalakas na rin ng kapasidad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang kaukulang ahensya at lokal na pamahalaan.
Panahon na rin aniyang isaayos ang magkakahiwalay na disaster management efforts at maglatag na ng ‘whole-of-government approach’ sa pagtugon sa kalamidad.