Ginawa ng gobyerno ang nararapat upang makapaghanda para sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Ito ang nilinaw ni Interior Secretary Benhur Abalos matapos ang magpahayag si Pangulong Bongbong Marcos nang pagkadismaya at pinagpapaliwanag ang government agencies sa mataas na bilang ng fatalities, lalo sa Maguindanao na bahagi ng BARMM.
Ayon kay Abalos, tumalima naman ang mga local government chief sa protocols sa disaster preparation ilang araw bago humagupit ang bagyo bukod pa ito sa agad nilang pakikipag-ugnayan sa national agencies.
Ginawa rin anya lahat ng mga local official ang kanilang makakaya upang tugunan ang pangangailangan ng kani-kanilang constituents bago at sa kasagsagan, maging pagtapos ng bagyo.
Samantala, ipinunto ng kalihim na mahalagang mabatid na mayroong sariling pamamahala ang Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM), bilang isang independent entity.
Sa kabila nito, agad namang sumaklolo ang national government matapos ang delubyong idinulot ng bagyong Paeng sa nabanggit na rehiyon.