Libo-libong katao ang dumagsa sa Manila North Cemetery ngayong Undas 2022.
Ito ang unang pagkakataon na binuksan ang Norte matapos ang dalawang taon simula nang sumiklab ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Manila North Cemetery administrator Roselle Castañeda, mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng Cementerio del Norte ang pagdadala ng sigarilyo, lighter, pabango, alak at matatalim na bagay.
Hindi rin pinapayagang makapasok ang 12 taong gulang na bata pababa at mga hindi nabakunahan laban sa COVID-19.
Pinayuhan din ni Castañeda ang publiko na bukas ang nasabing sementeryo simula ala-5 ng umaga hanggang ala-5 mamayang hapon lamang at wala ng extension. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla