Patuloy ang pagdating ng libu libong tao sa iba’t ibang sementeryo sa bansa para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.
Ito ang kauna unahang pagkakataong pinayagan na ang pagpunta sa mga libingan simula nang COVID-19 pandemic nuong 2020.
Sa Eternal Gardens Memorial Park sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Baesa, Caloocan City, tuluy-tuloy ang maayos na pagpapatupad ng seguridad lalo na sa pagpasok sa isa sa pinakamalaking libingan sa bansa katuwang ang PNP at iba pang grupo.
Ilan naman sa mga nagtungo sa sementeryo ay sumakay ng motorsiklo papunta sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay matapos bumuhos ang ulan.
Daan daang tao na rin ang dumagsa na sa mga libingan sa bansa kahapon at nuong isang linggo pa dahil ayaw anilang makasabay sa maraming tao at para makaiwas sa COVID-19.