Karagdagang 676 covid-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon kasabay nang pagdagsa ng mga tao sa iba’t ibang sementeryo para sa Undas sa gitna ng pinaluwag pang face mask policy.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang daily tally na naitala ng DOH simula noong June 28.
Bumaba naman sa 19,340 ang aktibong kaso kumpara sa 20,227 noong Lunes.
Sa mga pinaka-bagong infections, 141 ay mula sa Metro Manila na nangunguna pa rin sa may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo.
Samantala, nasa 4,005,000 thousand na ang total caseload, kabilang ang 3,921,000 recoveries habang nadagdagan ng 35 ang death toll kaya’t umakyat sa 64,109 ang fatalities.