Muling ipinaalala ng Departments of Energy at Trade and Industry na umiiral ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon sa DTI, dalawang buwan epektibo ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity.
Pagmumultahin at makukulong naman ang mga negosyanteng magpapatupad ng dagdag-presyo.
Bukod sa basic goods, pasok din sa price freeze o walang taas-presyo ng Liquefied Petroleum Gas at Kerosene sa gitna nang inilargang price increase sa LPG simula kahapon.
Nilinaw ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na tanging puwede ay rollback sa presyo.
Dahilan ng price hike sa LPG ang pagsisimula nang pag-iimbak ng heating fuel ng mga bansang naghahanda para sa winter o taglamig.