Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot na sa 3,000,000 indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Romel Lopez, patuloy pang nagsasagawa ng ibat-ibang operasyon ang kanilang ahensya sa mga apektadong lugar partikular na sa National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 7, 8, 9, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ng opisyal, na nasa 76,000 na pamilya mula sa ibat-ibang lalawigan sa bansa ang lumikas at nananatili parin sa mga evacuation centers.
Iginiit naman ni Lopez, na nasa P69-M na ang kabuuang bilang ng naipamahagi nilang tulong na binubuo ng family food packs at cash assistance mula sa dswd, lgus at ngos.
Sa ngayon nasa P82-M pa ang available na Standby Fund ng mga Regional Offices habang nasa 46,441 na foodpacks naman, ang nakatakdang ipamahagi sa iba pang lugar na apektado ng nagdaang bagyo.