Muling pina-alalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na magbigay ng tamang dagdag-sahod sa mga empleyadong pumasok sa mga araw na deklaradong holiday ngayong Nobyembre.
Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na ang mga empleyadong mas nagtrabaho kahapon, November 1, na special non-working day, ay tatanggap ng karagdagang 30% sa kanilang arawang sahod sa unang walong oras.
Para naman sa mga empleyadong nagtrabaho ng lampas walong oras, karagdagang 30% din sa hourly rate ang kanilang matatanggap.
Samantala, sa November 30 naman na isang regular holiday tatanggap ng dobleng arawang sahod ang mga manggagawa sa unang walong oras.
Magkakaroon din ng dagdag 30% ang mag-o-overtime. —sa panulat ni Jenn Patrolla