Pumalo na sa 121 million pesos ang halaga ang iniwang pinsala sa imprastratukra ng bagyong Paeng sa Zamboanga City.
Batay sa inisyal na ulat ng City Engineer’s Office, karamihan sa mga nasira ay mga tulay at slope protection facilities.
Nag-iwan din ng 1.8 million pesos na halaga ng pinsala ang bagyo sa sektor ng agrikultura.
Maglalaan naman ng pondo ang lokal na pamahalaan para sa mga naapektuhan ng baha sa lungsod na kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity. —sa panulat ni Jenn Patrolla