Umabot na sa P110,852,943.98 ang halaga ng assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), LGU’s, NGO’s at iba pang partners nito sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Sa datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 1,037,915 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 8,242 barangays.
Mula ito sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, National Capital Region, V hanggang XII, CARAGA at BARMM.
Nananatili sa 1,595 evacuation centers ang 49,815 pamilya o katumbas ng 195,163 indibidwal habang 140,255 families naman ang nanunuluyan sa ibang mga lugar.
Nasira ng Bagyong Paeng ang ilang mga kabahayan sa nasabing mga lugar kung saan, 1,928 ang totally damaged habang 11,768 ang partially damaged.