Nag-aalok na ang bayanihan e-konsulta, isang telemedicine flatform ng mental health services, 3 buwan matapos itong muling ilunsad.
Ayon kay bayanihan e-konsulta head dr. Keisha mangalili, nasa pitumpung pasyente na ang nag-request ng mental health consultation simula noong October 28.
Ang mga pasyente aniya ay isasailalim sa psychosocial assessment upang malaman kung ano ang dapat na gawin dito.
Binubuo naman ang teleconsultation service ng psychologists, psychiatrists, counselors at psychometricians.
Samantala, sinabi ni mangalili na naghahanap sila ng partnership sa iba’t ibang institusyon upang maserbisyuhan ang mga taong dumaranas ng health concerns.