Ikinabahala ng isang pediatrician ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa mga silid-aralan sa gitna ng pagpapatupad ng face-to-face classes.
Ito ay dahil marami pa sa mga estudyante ang hindi bakunado o wala pang booster shot laban sa COVID-19.
Ayon kay Philippine Federation of Professional Association (PFPA) Vice President Dr. Benito Atienza, dapat ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask sa mga paaralan dahil may mga classroom na maliliit at walang maayos na bentilasyon.
Kahapon nang kumpirmahin ng Department of Education (DepED) na maaari nang hindi magsuot ng face mask ang mga mag-aaral sa mga silid-aralan, alinsunod sa umiiral na national policy kaugnay sa opsyonal na pagsusuot nito.