Nilinaw ng Meralco na fully restored na ang lahat ng main circuits na naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Meralco Public Relations Head Claire Feliciano na dahil ito sa walang tigil na power restoration activities simula pa noong weekend.
Mababatid aniya na umabot sa mahigit apat na milyong customer nila ang nakaranas ng kawalan ng suplay ng kuryente.
Opo, madami kasi kalahati yan, mahigit kalahati iyan ng total cost price namin, so kasama naman po diyan ang memontary na mga less than 5 minutes lang, and iyong mga sustains na nakita natin mayroong talagang medyo mabagal, ngayon po nabanggit niyo na mayroon pang mangilan, opo, coming up operations na lang po tayo, kahapon po narestore na lahat ng circuit,and kahapon din mayroon isolated na area dahil sa baha particularly, iyong Biñan po sa Laguna, isolated pa din po as of last night.”
Ipinabatid pa ni Feliciano na dahil fully restored na ang lahat ng nasabing circuits ay tinitingnan na lamang nila ang mga secondary lines kung mayroon pang problema upang agad na matugunan.
Samantala, sinabi ni Feliciano na mas malaki ang pinsala na idinulot ng Bagyong Paeng kumpara sa nagdaan na Bagyong Karding.
Actually, kung titingnan po natin,buong franchise area talaga ng Meralco tinamaan noong Bagyo,and kung titingnan natin iyong 4M medyo malaki po iyan kasi kalahati kung ikukumpara natin, si Karding noong last september, 2.2M lamang na customers ang naapektuhan ng power interupption, kompare ngayon na nasa 4M. In terms of restoration po within 24 hrs, down to 500,000 and then yesterday konti na lang po. Ngayon mapping up operations na lang, chinecheck na lamang po natin iyong mga natitirang households na lang, mayroon pang mga problema at mayroong kailangan pang icheck mga linya mnila sa low sides para po to confirm kung okay na po ba ang mga customers na ito.”
Ang tinig ni Meralco Public Relations Head Claire Feliciano, sa panayam ng DWIZ