Mariing itinanggi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumakalat na balita na muling ipatutupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa November 15.
Ayon sa MMDA, fake news ang napaulat hinggil sa isyu ng NCAP at hindi umano nagmula sakanilang ahensya, ang naturang balita.
Sinabi ng MMDA, na ang umano’y muling pagpapatupad ng NCAP sa Metro Manila ay walang katotohanan dahil sinuspinde na ito noon pang buwan ng Agosto kasunod ng pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema.
Nagpaalala sa publiko ang MMDA partikular na sa mga motorista na huwag basta maniniwala sa mga nakapost sa social media platforms at alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon kung ito ba ay mula sa lehitimong sources.