Nananatili pa rin sa critical level ang tubig sa Magat Dam sa Isabela matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), nasa 190.68 meters ang antas ng tubig sa nasabing Dam kumpara sa standard level na 187 meters.
Ito umano ang dahilan kung bakit patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig dahilan kaya hindi pa rin humuhupa ang baha sa ilang lugar sa Isabela at Cagayan.
Dahil dito, nagbabala ang NIA sa posibleng paglala pa ng baha sa mga lugar na malapit sa Magat Dam dahil sa pag-apaw ng tubig mula sa nasabing water reservoir.