Maaari nang mag-avail ng calamity loans ang mga miyembro ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon kay Jack Jacinto, Public Affairs Manager ng PAG-IBIG Fund, nasa 344,000 miyembro nila ang nakatira sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Maaaring humiram ang mga ito ng hanggang 80% ng kanilang savings na may interest rate na 5.95 percent kada taon at babayaran sa loob ng tatlong taon.
Kwalipikado lamang na mag-apply ang mga aktibong miyembro na dalawang taon nang naghuhulog sa PAG-IBIG Fund.